Trip lang:
Sa isang madilim na silid… silid na mala-opisina ang dating… napupuno ito ng maraming aklat at sari-saring dokumento. Sa silid na iyon may isang tao… isang lalaking may katamtamang pangangatawan at may maitim na buhok… nakaupo sa mesa ng boss hawak ang isang piraso ng papel. Pero parang may mali, hindi siya mukhang masaya. Maya-maya biglang tumunog ang telepono… at nagsimula ang isang maikli ngunit tila napaka-importanteng pag-uusap. Sa kalagitnaan ng pag-uusap bigla siyang napatayo at kumaripas ng takbo… matapos ng sandaling iyon biglang nagkaputukan…